Malinaw ayon sa birthday...LALAKING NAKATAKDANG MAGING MAGANDA ANG KAPALARAN KAHIT MAWALAN NG HANAPB

Dear Maestro,
Ngayon ay may maayos sana ang akong trabaho sa isang pribadong pautangan. Ang problema, nakadispalko ako ng malaking halaga ng pera, kaya sa sandaling magkabistuhan, maaaring matanggal ako sa aking trabaho. Pero, hindi lang ako ang nakinabang du’n kundi pati ang supervisor at manager ko.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawalan ako ng trabaho at kung paano ko bubuhayin ang aking apat na anak. Madalas kaming tumataya sa lotto ng misis ko, pero hindi kami tumatama.
Sana, bigyan ninyo ako ng masusuwerteng numero para manalo kami ng jackpot at maitaguyod ko nang mabuti ang aking pamilya kahit matanggal pa ako sa kasalukuyan kong trabaho. July 11, 1973 ang birthday ko.
Umaasa,
Marvin ng Tayuman, Binangonan, Rizal
Dear Marvin,
Ayon sa birth date mong 11 o 2 (ang 11 ay 1+1=2) at nagkataong 2 rin ang destiny number mo, (7+11+1973=1991/ 19+91=110/ 11+0=11/ 1+1=2) bukod sa sarili mong number na 2, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatutal na 1 at 7 tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 7, 16, 25, 34 at iba pang kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 1, 20, 34, 36, 40 at 42, gayundin ang 2, 13, 25, 34, 37 at 44. Puwede ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa mga numero 39812/ 51627/ 97561/ 31342.
Dagdag pa rito, dahil ang 2 at ang zodiac sign mong Cancer ay may kaakibat na Moon, dapat sa tuwing tataya ka, hintayin mo ang pagbilog ng buwan o ‘yung tinatawag na full moon dahil sa ganu’ng petsa o panahon, malaking suwerte ang matatanggap mo mula sa langit higit lalo kung nasa high tide ang tubig sa batis, dagat at ilog.
Upang matiyak ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na nasisinagan ng liwanag ng bilog na buwan. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga ngayong 2019, sa edad mong 46 pataas.




Comments