Bigtime pusher nasakote
Pabs Hernandez III
Jan 7, 2019
1 min read
CEBU CITY—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Quiot sa lungsod na ito.
Nakilala ang suspek na si Kent Oliver Ygot, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 11 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Ygot.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments