Alamin mula kay Señor...KAALAMAN TUNGKOL SA KASUWERTEHAN
- BULGAR

- Jan 7, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang mga kaalaman kung paano tatanggalin ang kamalasan sa buhay ng tao.
Marami ang nag-aakala na kapag gumagawa tayo ng mga positibong bagay na magpapaganda sa ating buhay ay tiyak na gaganda ang ating kalagayan. Marami rin ang naniniwala na kapag humarap tayo sa salamin at sinabi nating, “everyday I’m getting better and better” ay sapat na ito para gumanda ang ating buhay.
Hindi mali ang ganu’ng mga akala, pero walang bisa ang mga ito kapag hindi inalis ang mga malas sa buhay ng tao. Mahiwaga ang buhay, kaya hindi ito madaling pagandahin.
Talakayin natin ang sinasabi ng mga dalubhasa sa tamang katuruan ni God. Ayon sa kanila, nababasa talaga sa Banal na Kasulatan ang salitang “alisin muna ang kasalanan at magsisi nang sa gayun ay makapasok sa kaharian ng langit”.
Mababasa rin na “hindi puwedeng makapunta ang sinumang may bahid ng kasalanan sa langit”.
Bagama’t, ang nasabing mga salita ay panrelihiyong katotohanan, kung susundin natin ito ay posiblemg makakukuha tayo ng magandang aral sa buhay.
Para magawa ito, unahin natin sa loob ng ating sariling bahay.
1. Ang anumang sirang mga kagamitan ay huwag na nating gamitin. Ito rin ay nagsasabing, ang mga basura ay itapon na.
2. Ngayong Bagong Taon, wala nang gaganda pa kung tayo ay maglilinis ng bahay.
3. Maganda rin na baguhin ang ayos ng mga kagamitan, maglagay ng mga bagong dekorasyon at alisin na ang mga luma, ito ay gawin kung ang buhay ay minamalas.
4. Bagong pintura, kurtina, sala set at carpet, muli, ito ay gawin kapag ang buhay ay minamalas.
5. Ikonsidera rin ang personal na pagbabago tulad ng pagbabago ng gupit at make-up, gayundin ang paglilinis ng mga kuko. Importante ito lalo na kung gusto mong mabago ang buhay mo sa larangan ng lovelife, career at health.
6. Bumili rin ng mga bagong sapatos at damit.
7. Kapag tinanggap na kailangan na rin ang bagong boyfriend or girlfriend dahil minamalas sa kasalukuyang partner, huwag nang magdalawang-isip na maghanap ng bago kaysa habambuhay kang magtiis.
8. Mahigpit ding inirerekomenda na ang mga kaibigang pabigat lang sa buhay ay ibasura na rin.
9. Gayundin, alisin sa buhay o iwasan na nang tuluyan ang mga taong nakadikit sa atin na alam nating may pangit na kapalaran.
10. Masakit mang tanggapin at mahirap gawin ang mga ito ay kailangan dahil ‘ika nga, “there must be a process of cleansing for a more beautiful, happy life and prosperous life”.
Good luck and God bless!




Comments