13 pulis todas sa mga rebelde
Jersy Sanchez
Jan 7, 2019
1 min read
NASAWI ang 13 pulis matapos mapatay ng mga Buddhist Rakhine insurgent sa Myanmar.
Naganap ang pag-atake sa mismong Araw ng Kalayaan sa naturang bansa.
Bukod sa 13 nasawi, mayroon ding siyam na iba pa na sugatan sa insidente.
Noong Disyembre, muling sumiklab ang labanan sa pagitan ng government forces at rebel Arakan Army.
Umalis ang halos 2,500 sibilyan sa kanilang mga tahanan dahil sa labanan ng dalawang grupo.





Comments