Todo-sawsaw sa away ni Kris sa dating tauhan… RESBAK NG MADLANG PIPOL: GRETCHEN, KABIT LANG, KINAKAL

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG nakisali na ang aktres na si Gretchen Barretto sa isyu ni Kris Aquino laban sa dati niyang managing director sa KCAP o Kris Cojuangco Aquino Productions na si Nicko Falcis, na sinampahan ng Queen of All Media ng 44 counts ng Qualified Theft dahil diumano’y ninakawan siya ng malaking halaga.
Inihain ni Kris ang kanyang reklamo sa pitong siyudad — Makati, San Juan, Taguig, Mandaluyong, Pasig, Manila at Quezon City.
Ipinost kasi ni Gretchen sa kanyang personal Instagram account kahapon (January 5) ang screenshot ng balita mula sa PEP.ph na may headline na: “Nicko Falcis swears Kris Aquino said: ‘PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO’”
Nagpahayag si Gretchen ng simpatya para kay Nicko at sinabing saludo siya sa lakas ng loob nito para ihayag ang totoo at lumaban para sa kanyang pamilya at reputasyon. Hindi man diretso, pero tila tinawag din ng aktres na ‘bully’ at ‘power tripper’ ang kalaban ni Nicko, na alam naman ng lahat na si Kris Aquino.
Aniya, “I feel for Mr. Nicko Falcis after reading this article. I salute him for his courage to speak the truth, fight for his family name & reputation in spite of the threat to his life. No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING.”
Ang laman din ng balitang ibinahagi ni Gretchen mula sa PEP.ph sa kanyang Instagram account ay ang depensa ng dating managing director ni Kris Aquino, kung saan ay naglabas siya ng kanyang official statement matapos ang kanyang matagal na pananahimik.
Isiniwalat din niya rito ang ilan sa mga conversations nila ng Queen of All Media, kung saan ay binabantaan nito ang kanyang buhay.
Narito ang conversation na ibinahagi ni Nicko sa PEP.ph…
NMF: “Madam… hello”
KCA: “You fuc*ing asshole Nicko, okay. NO!”
NMF: Madam…
KCA: “HWAG ka nang bumalik sa Pilipinas, nadinig mo, NO, hwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO, you know what, you know what’s wrong with me??? MAY LUPUS AKO, NICKO!!!” (Shouting)
NMF: “Oh My God… Madam… Madam… (Crying)”
KCA: “That’s why… GUSTO MONG BUMALIK SA PILIPINAS? DARE TO STEP IN THIS COUNTRY, AND YOU WILL BE DEAD.(Shouting)”
Hati rin ang naging reaksiyon ng mga netizens sa isang blog site sa ginawa ni Gretchen. May mga kumontra sa kanya at sinabing hindi na raw siya dapat nakialam sa problema ni Kris dahil hindi naman niya alam ang totoong nangyari.
May ilan ding inusisa ang pagiging ‘kabit’ niya sa isang Cojuangco dahil kinakalaban daw niya ang totoong Cojuangco.
Naka-off ang comment section ng post na ito ni Greta kaya hindi makapag-comment ang mga netizens.





Comments