Lolang natatakot para sa kalagayan ng kanyang apo
Dear Roma,
Ako si Nenita, 59 years old. Natatakot ako para sa kalagayan ng apo ko na si Shanshan, binabalak kasi niyang mangibang-bansa. Sa totoo lang, ako na ang nagpalaki sa kanya dahil ang mga magulang niya ay namatay dahil sa aksidente. Hihingi ako ng payo kung dapat ko ba siyang payagan sa gusto niyang gawin kahit na alam kong hindi ako magiging okay? Salamat! — Nenita
Nenita,
Para sa iyo, mamsh, mainam kung sasabihin mo ang tunay mong nararamdaman kay Shanshan nang sa gayun ay magkaintindihan kayo nang mabuti. Huwag mong itatago ang iyong saloobin dahil baka kung ano pa ang mangyari sa‘yo. Kaya mo ‘yan, mamsh! God bless you!





Comments