Ganern, Maine?! “I’M AT MY HAPPIEST RIGHT NOW..." — ALDEN

MAKAKAUSAP ng mga reporters si Alden Richards today dahil matutuloy na ang ipinangako niyang thanksgiving party for the press. Dapat, last December pa ang pa-thank you party niya, pero dahil nagbakasyon sila sa Japan ng kanyang pamilya, iniurong niya this year.
Birthday treat na rin ito ni Alden sa mga reporters dahil kabi-birthday niya lang noong January 2. Wala siyang malaking party, sa Concha’s lang nagkaroon ng salu-salo with his Sunday PinaSaya family at ibang kaibigan.
Matatanong namin si Alden kung bakit niya nasabing, “I’m at my happiest right now... maraming salamat po sa lahat ng bumati. GOD bless po sa inyo.”
Bakit niya nasabi ito at sino at ano ang nagpasaya sa kanya?
Of course, matatanong din si Alden sa mga plano niya for 2019 at kung ano ba ang mga shows na aabangan sa kanya.





Comments