‘Ika nga, love is the key to happiness, ‘teh! MISIS NA SA SANDALING MAHALIN ANG BATANG INAMPON AY TI
- BULGAR

- Jan 6, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
Matagal naming hinintay na magka-baby, pero hindi kami sinusuwerte ng asawa ko, kaya naisipan naming mag-adopt. May ampon kaming baby girl na isinilang noong November 8, 2018, gusto kong itanong kung ano ang magiging kapalaran ng baby namin? Ang sabi kasi, malas ang numerong 8, totoo ba ito?
Naguguluhan kami ngayon, pero sana, suwerte ang maging dulot ng baby na ito sa buhay naming mag-asawa. July 14, 1983 ang birthday ko at March 7, 1982 naman ang mister ko.
Umaasa,
Luna del Sol ng Bangkal, Makati City
Dear Luna del Sol,
Madaling mauunawaang dahil ikaw ay may birth date na 14 o 5 (1+4=5) sa zodiac sign na Cancer habang ang mister mo ay may birth date na weak number na 7, sa zodiac sign na Pisces, tunay ngang hindi magiging malas sa inyong mag-asawa ang sanggol na inyong inampon na may birth date na 8 na strong number sa zodiac sign na Scorpio.
Nangyaring hindi malas, sa halip ay masasabing suwerte sa inyong mag-asawa o pagsasama ang sanggol na may birth date na 8 dahil ang numero mong 5 ay suwetung-suweto at ka-compatible ng numerong 8 ng batang inampon ninyo kung saan masaganang kabuhayan ang idudulot sa inyo ng nasabing bata lalo na sa negosyo at sa mga may kaugnayan sa materyal na bagay.
Gayundin, ang weak number na 7 na siyang birth date ng mister mo ay sadyang masuwerte sa strong number na 8 ng baby na inampon ninyo kung saan ang strong number na 8 tulad ng nasabi na ang siyang magbibigay ng dagdag na lakas ng loob at inspirasyon sa mister mo.
Sa madaling salita, suwerte sa inyong mag-asawa ang inampon ninyong baby na may birth date na 8 habang patuloy ninyo siyang minamahal at inaaruga, marami pang magagandang kapalaran at mga pagpapala ang kusang ipagkakaloob sa inyo ng tadhana lalo na sa inyong pamilya ngayong 2019.
Sa larangan ng Astrology, mapapansin ang zodiac sign mong Cancer at Pisces naman ang mister mo habang Scorpio ang baby ay masasabing compatible rin sa isa’t isa sapagkat kayong tatlo ay kapwa pinaghaharian ng elementong tubig.
Ibig sabihin, magkakatugma ang inyong mga numero at zodiac sign, kaya kayong mag-asawa, imbes na malasin dahil sa inampon ninyong baby ay tiyak ang magaganap, darating ang takdang panahong tuluy-tuloy kayong susuwertehin hanggang sa lumago nang lumago ang kabuhayan ng inyong pamilya.
Samakatwid, tulad ng naipaliwanag na, hindi mo dapat isiping malas ang baby ninyo, sa halip, isipin mong siya ay suwerte at magdadala nang mas marami pang mga biyaya sa inyong pamilya na sa malapit na hinaharap ay ‘yun talaga ang mangyayari na magsisimulang magkatotoo ngayong taon, sa edad mong 36 pataas at 37 naman si mister.




Comments