Shell GO+ may pasabog ngayong bagong taon
- BULGAR

- Jan 5, 2019
- 2 min read

Mas lalong pinalaki at pinarami ang loyalty program na handog ng Shell para sa mga professional driver, dahil hindi lang ang miyembro nito ang puwedeng gumamit kundi pati na rin ang kanilang pamilya. Ang dating Shell Pepeng Pasada Club ay mas pinaganda pa ngayon para maiparamdam ng Shell ang pagpapahalaga nito sa kanilang mga suking driver.
Madali lang makakuha ng points! Ang bawat Shell transaction (fuels, lubricants or Shell Select o Deli2go) ay may katumbas na points na puwedeng ipunin at i-redeem.
Tipid ka dahil puwedeng pambayad ang points. Ang bawat point ay nagkakahalaga ng Php 0.5. na puwedeng gamiting pambili ng iba’t ibang produkto sa Shell: Shell Fuel Save, Shell V-Power, Shell Lubricants at mga items sa Shell Select. Ngayon, menos gastos ang bawat pagpapakarga sa Shell.
Panalo rin sa rami ng rewards at benefits. Bukod sa Shell products, maaari rin gamitin ang points para makakuha ng libreng premium items gaya ng appliances, gadgets, and food vouchers. Ang lahat ng miyembro ay meron ding 60% discount sa labor tuwing magpapapalit ng langis sa Shell Helix Oilchange+ service center.
Magiging kampante rin ang buong pamilya dahil may libreng Accidental Insurance coverage para sa mga active member ng Shell GO+.
Ang mga Shell GO+ cardholder pati na ang kanilang dependents ay maaari ring makakuha ng scholarship sa mga technical at vocational course sa TESDA-accredited schools.
Kaya tinatawagan ang mga jeepney, taxi, bus, Grab, truck, tricycle, multicab at commercial driver na18 years old pataas na may professional driver’s license. Bumisita na sa mga Shell station para mag-register at ma-enjoy ang rewards at benefits ng Shell GO+ members.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga benepisyo, promo at exciting offers ng Shell GO +, bumisita lamang sa kanilang website - www.shell.com.ph/GoPlusPro.





Comments