top of page

Paunang lunas para sa nabanlian o napaso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Nagpiprito ako sa kusina nang lumapit ang 2 years old kong anak at nahila niya ang hawakan ng nakapatong na kawali sa stove kaya napaso ito, sa takot, hindi ko alam ang gagawin. Nasabi ng biyenan ko na lagyan ko raw ang napasong bahagi nito ng toothpaste kasi malamig daw ito. Ginawa ko ito at saka ko siya itinakbo sa pinakamalapit na health center. Ngayon ay nagpapagaling na siya ng sugat, gayunman, nais ko pa rin malaman kung anu-ano ang paunang lunas para sa paso? — Vina

Sagot

Ang mga dapat gawin kung mapaso o mabanlian:

Balutan ng malinis na tela ang bahaging nagtamo ng injury. Huwag diinan ang pagkabalot dahil posibleng dumikit ang tela sa balat. Ang mahalaga sa mga ganitong bagay ay matanggal ang source ng init o sunog.

Dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na ospital. Mas malala umano ang matatamong injury kung mabanlian ng mainit na mantika kaysa sa kumukulong tubig.

Tandaan na hindi inirerekomenda ang pagpahid ng toothpaste sa injury o bahaging napaso tulad ng ginagawa ng iba.

Nagkakaroon ng maling pag-aakala na ang toothpaste ay magandang gamitin bilang first-aid treatment sa napaso dahil malamig ito sa bibig, pero hindi ito maaari sa balat na napaso, simpleng cream lamang na para sa paso ang dapat ilagay at hindi ang toothpaste.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page