top of page
Pokwang.jpg

Mister, todo-hawak sa tiyan… KALAT NA: ANNE, BUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2019
2 min read

BUNTIS na nga kaya si Anne Curtis? Ito ang itina­tanong ng marami ngayon matapos ang post ng sister-in-law niyang si Solenn Heussaff ng lara­wan nilang tatlo nina Erwan (Anne’s husband).

Sa larawan kasi ay makikitang sa tiyan ni Anne naka­hawak si Erwan na usually ay ginagawa ng mga hubbies sa buntis na asawa.

Bale ba, ang caption na inilagay ni Solenn ay: “A good start” kaya nakadagdag pa ito sa espekulasyon na baka nga the family is expecting a baby soon.

At ang mas intriguing, medyo mataba nga si Anne sa picture. Pero may nagsabi namang masarap lang daw talagang magluto si Er­wan kaya nananaba ang wifey niya.

Well, ngayon pa lang ay ma­ra­mi na ang natutuwa if true na pregnant si Anne.

◘◘◘

NA-HACK pala ang Twitter account ng isa sa mga bida ng Cain at Abel na si Dennis Trillo at kinumpirma na niya ito sa GMA Network. Kaya sa mga followers ng aktor, hindi po galing sa kanya ang recent tweets niya.

Nang i-check namin ang Twitter account ni Dennis, may tweet nga roon last Thursday kung saan ay nag-comment siya sa isang netizen na nagwi-wish na magkaroon sila ng pelikula ni former Senator Bong Revilla, Jr..

“Bad idea,” ang sagot ni Dennis na nakakagulat dahil knowing him, hindi niya ito sasabihin.

May sarcastic tweet din siya sa comment ng netizen na kinukuwestiyon kung bakit walang congratulatory post ang GMA Network tungkol sa pagkakapanalo niyang Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2018.

“Ganyan kami kaimportante sa GMA,” ang sarkastikong sagot ni Dennis na kataka-taka rin. Para magsalita ang aktor ng ganito, parang hindi nga siya.

At nahalata na rin naman ito ng ilang netizens na kilala si Dennis. Naghinala na rin silang baka na-hack ang account niya. Turned out na tama ang hinala nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page