top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday...BEBOT NA NAKATAKDANG MAKAPAG-ASAWA NG LALAKING MAUNLAD ANG BUHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 5, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Naisipan kong su­mangguni sa inyo upang alamin kung ano ang mangyayari sa aking kapa­laran?

Sa ngayon ay may work ako, pero sapat lang ‘yun para sa akin at ang isa ko pang problema, wala akong boyfriend kaya gusto kong malaman kung magkaka-boyfriend ako at kailan naman ito?

Nais ko ring malaman ang aking destiny number at kung ano ang kahulu­gan nito? December 12, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,

Menchie ng Linao, Libon, Albay

Dear Menchie,

Ayon sa birthday mong December 12, 1989, ikaw ay nagtataglay ng birth date na 3 sa destiny number na 6 (12+12+1989=2013/ 20+13 =33/ 3+3=6) sa zodiac sign na Sagittarius.

Sa sandaling tuluyan nang umiral ang birth date na 3, ang destiny number na 6 at ang zodiac sign mong Sa­gittarius, sinasabing su­su­wertehin at aasenso ka na sa iyong career.

Ibig sabihin, anuman ang propesyon mo sa buhay sa ka­salukuyan, tiyak na mag­ta­tagumpay ka at tuluy-tu­loy na aasenso at uunlad.

Sa larangan ng pag-ibig, liligaya at uunlad ka naman kung ang pipiliin mong asawa o magiging boyfriend ay mas mataas sa iyo ang antas ng pa­mumuhay. Isang halim­bawa ng ganitong senaryo ay ‘yung hindi ka nakatapos ng pag-aaral habang ang ma­papangasawa mo ay col­lege graduate.

Kung graduate ka ng college, posibleng ang mapa­ngasawa mo ay may mataas na posisyon sa opisina o sa­bihin na nating mas nakaa­angat sa iyo ang kanilang kabuhayan.

Ganu’n ang dapat kau­wian at talagang mangyayari sa iyong career o sa aspeto ng propesyon at pag-aasawa kung saan kayong mga ta­ong tres (3) at taong sais (6) sa pa­nahong kayo ay nag-asawa na, palaging mas ma­taas ang antas o pamumuhay ng mapapangasawa ninyo at sa panahong bubuo na kayo ng sariling pamilya, ito rin ay garantiya na uunlad at ma­giging masagana ang itatayo ninyong pamilya.

Kapag naging mas ma­galing ka kaysa sa mapapa­ngasawa mo, tiyak ang ma­gaganap, malulung­kot at hin­di gaanong magi­ging suc­cessful ang mangya­yaring pagpapamilya sa iyo.

Su­ba­lit, huwag kang ma­lung­kot dahil minsan lang nang­yayari ang ganyang se­naryo sa kapalaran ng mga taong tres (3) at taong sais (6) na nag­kataong ikaw ay nagtatag­lay ng ruling planet na Jupi­ter.

Samantala, anuman ang mangyari, ayon sa Decadens ng Kapalaran ngayon 2019 hanggang 2020, sa edad mong 30 pataas, lalong ga­ganda at bubuti ang iyong ca­reer, kasabay nito sa pana­hong tinuran, magkaka-boy­friend ka na hanggang sa tu­luyang makapag-asawa ng lalaking mas magaling at ma­unlad sa iyo ang kalagayan sa lipunan na inyong ginaga­lawan. Ang lalaking ito na iyong mapapangasawa ay ka­salukuyan mo nang kaki­lala na isinilang sa buwan ng Mayo o kaya ay Hunyo na sa san­daling napangasawa mo na siya tulad ng paulit-ulit na sinasabi tuluy-tuloy at lalo pang uunlad ang iyong ca­reer, gayundin ang aspe­tong pang­kabuhayan hang­gang sa makapagpatayo na kayo ng isang masagana at ma­li­gayang pamilya, habam­buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page