LOW KEY VS. KING JEFF SA GROUP RACE NGAYON

MAHIGPIT na maglalaban-laban ang mga kalahok sa Group Race, Philracom-RBHS at Maiden Race sa pag-alagwa ng karera sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayon.
Tatlong Group Race ang aalagwa habang tig-dalawang karera ang magaganap sa Philracom-RBHS at 3 year old and Above Maiden Race.
Unang maghaharap sa Race 1 ang Group Race (10) na paglalabanan ng 7 mananakbo at pinapaboran ang Entry No.1(Courageous at Spectrum) makakalaban ang Battle Ground, Marino ng Tanglaw, Bowties and Charms, Incredible Hook na umpisa ng Winner-Take-All (WTA) event.
Susunod na magkakaharap ang Group Race (8-9) ang walong kabayo at dito magkakaharap ang King Jeff at Low Key sa pagpapatuloy ng laban kasama ang magbibigay ng magandang laban ang Faithful Wife/Talilibanana (Couple entry) Artikulo Uno Tunnel Vision, Lourdes Drive, Melody Diamond at Dream Lover sa Race 2 at panimula ng Pick 6 event.
Ipinapatok naman ang Lu Fei sa Race 3 sa Philracom-RBHS at magsisilbing kalaban ang PrimaDonna na mag-uumpisa ng Pick 5 event. Gayundin ang Race 4 na umpisa ng Pick 4 event na ipinapatok din ang Talon at Don Alberto, makakalaban ang Concert King at Umbrella Girl.
Ipinapatok ang Inter State sa Race 5 at may tsambang manalo ang kalahok na Happy Man sa pagtikada ng 3 Year Old and Above Maiden Race.
Sa Race 6,pinapaboran ang Port Angeles at binibigyan ng tsamba ang Tip Toes sa Group Race (11) at Race 7 ipinapatok ang Early Bird ng Cool Summer Farm sa pagtikada ng 3 Year Old and Above maiden Race.
Tip ni Mang Ding Race 1- Entry no. 1, Bowties and charms (5) Race 2- Low key (6) King Jeff (2) Race 3- Lu fei (4) Primadonna (3)
Race 4- Entry no. 2, Umbrella girl (1) Race 5- Interstate (2) Quiet Whisperer (3) Race 6- Port Angeles (5) Tip toes (6) Race 7- Eearly bird (2) Batang Madrid (4) WTA(1-7)1/6-2/4/2-1-7/2/5-6/2-4 PICK 6(2-7) 6-2/4/2-1-7/2/5-6/2-4 PICK 5(3-7) 4/2-1-7/2/5-6/2-4 PICK 4 (4-7) 2-1-7/2/5-6/2-4.





Comments