HOROSCOPE | ENERO 5, 2019 (Sabado)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 5, 2019 (Sabado): Sakyan mo ang mga kaganapan sa iyong buhay at dadalhin ka nito kung saan personal mong makahaharap ang suwerteng iyong pinakahahangad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong maulit ang mga bagay na iyong kinatatakutan. Mas maganda na kung ano ang pinakagusto mo, ‘yun lang ang maranasan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-28-29-33-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang makisali sa mga walang kuwentang usapan dahil masasayang lang ang oras mo sa pakikipagpalitan ng kuru-kuro sa buhay nang may buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-27-35-39-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Ituloy mo lang ang pagsusuot ng makikislap na bagay. Ang mga ito ay mananatiling panghatak mo sa mga suwerteng kailangang-kailangan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-25-31-32-37.
CANCER (June 21- July 22) - Dadalawin ka ng suwerte ngayon at kapag natagpuang may positibo kang pananaw, ang iyong mga ambisyon ay mabibigyan ng katuparan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-20-25-31-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sumasaya ang buhay mo nang dahil sa iyong mga kaibigan, pero ang payo sa iyo ay mamili ka ng mga kaibigan na hindi pabigat sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-27-36-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang taong walang kuwentang kausap. Ang masarap na kausap ay ang mga taong mainam sa iyong buhay tulad ng diamanteng magbibigay sa iyo ng kislap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-22-34-36-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumarami ang mga gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Kaya hindi totoo na malungkot ang buhay mo kapag may nawala sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-21-28-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nahaharap ka sa mas malalaking pakikipagsapalaran, kaya ang malalaking tagumpay ay nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-17-20-26-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papalakas nang papalakas ang dating ng mga suwerte mo. Ito ay nangangailangan din ng malakas na katawan, kaya mas magandang huwag mong abusuhin ang sarili mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-24-27-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka mabibigo sa iyong malalaking pangarap. Kikilos ang langit para mawala ang mga hadlang sa mga kagustuhan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-21-23-27-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na lumilipad ang mga suwerteng kaloob sa iyo ng langit. Huwag mong hayaang lumipad papalayo ang mga ito, ibig sabihin, ayusin mo ang buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-27-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hihintayin ka ng mga suwerte mo, kaya ang payo ay lapitan mo ang mga ito. Ito ang susi upang matupad mo ang mga pangarap mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-25-32-34-45.




Comments