top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bilang ng nasawi sa pagguho ng building, umabot sa 39

Jersy Sanchez
Jan 5, 2019
1 min read

TUMAAS pa ang bilang ng mga nasawi matapos ang pagsabog ng gusali sa Magnitogorsk, Russia.

Batay sa huling tala, umabot sa 39 ang bilang ng mga bangkay na narekober.

Ayon sa Russian official na si Alexandre Tchouprian, 38 bangkay ang nakilala na habang ang isa ay wala pang pagkakakilanlan.

Gayunman, tuluyan nang natapos ang operasyon at wala na silang inaasahang makukuha pang labi.

Inaprubahan ni Chelyabinsk Regional Governor Boris Dubrovsky ang 1 million rubles o US$14,500 na ayuda para sa pamilya ng mga nasawi habang 400,000 rubles o US$5,826 sa mga nagtamo ng mga sugat.

Gayundin, makatatanggap ng bagong bahay at 500,000 rubles o US$7,282 ang mga pamilyang nawalan ng tirahan.

Dagdag pa ni Dubrovsky, sagot din nila ang pagpapalibing sa mga nasawi.

Matatandaang, gas leak ang dahilan ng pagsabog ng gusali kung saan hindi bababa sa 40 units ang nasira.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page