MAGSASAKA SAPOL SA LIGAW NA BALA
Pabs Hernandez III
Jan 4, 2019
1 min read
NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Antipas sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Nico John Armada, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nakatayo sa harap ng kanilang bahay si Armada nang tamaan ito ng ligaw na bala sa kaliwang paa.
Ginagamot na sa ospital si Armada, samantalang, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang suspek na nagpaputok ng baril na tumama sa biktima.





Comments