LABORER TEPOK SA PINAGLARUANG BOGA
- Pabs Hernandez III
- Jan 4, 2019
- 1 min read
RIZAL—Isang laborer ang namatay nang tamaan ng bala mula sa pumutok na baril na kanyang pinaglalaruan, kamakalawa sa Bgy. San Luis, Antipolo City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Christopher Sanchez, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, kainuman ni Sanchez ang kanyang anak na si Kevin nang bigla nitong inilabas ang dala niyang baril at pinaglaruan na nagresulta upang pumutok ito at tamaan ng bala sa dibdib ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang pamilya niSanchez para mabatid ang tunay na pagkatao ng biktima kung bakit may baril ito.





Comments