top of page

KAALAMAN TUNGKOL SA PANGALAN NG MGA BUWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang pinagmulan ngmga pangalan ng buwan.

Bigyang-daan natin ngayon ang pinagmulan ng mga pangalan ng buwan.

Enero ang unang buwan ng taon kung saan tinanggap na nating lahat na ito ang pangalan ng unang buwan ng taon.

Pero, bakit nga ba January ang pangalan ng unang buwan? Ito ay dahil idineklara noon ng kasalukuyang Papa Romana ang pangalan ng unang buwan ay January na hango sa pangalan ni Janus na kinikilalang Diyos ng “simula at wakas” na sa Latin ay Alpha at Omega.

Nakagugulat, hindi ba, dahilang Papa sa Roma na si Papa Gregorio XIII ay ang Papa ng Simbahang-Katolika?

Ang month of February ay hinugot sa pangalan ng Diyosng mga Romano na si Lupercus Februus na kinikilalang Diyos ng “paglilinis at pagpapadalisay”.

Ang month of March ay hinango rin sa Diyos ng mga Romano na si Mars na siyang Diyos ng digmaan. Ang month of April ay kinuha sa salitang Latin na aperireo unang pagbukas ng mga puno at bulaklak na madalas maranasan sa buwang ito.

Ang month of May ay mula sa Maia, ang Romanong Diyos na sa Greek ay ang asawa ni Hermes.

Ang month of June ay mula sa pangalang Juno, Romanong Diyos na asawa ni Jupiter.

Ang July ay hango sa pangalang Julius Caesar, isangRomanong diktador.Ang August ay mula sa pangalang Augustus, ang unang Romanong Emperador.

Ang September ay mula sa wikang Latin na “septem” opito, tumutukoy sa ika-7 buwan sa Romanong kalendaryo.

Ang October ay mula sa wikang Latin na ”octo” o walo,tumutukoy sa ika-8 ng buwan sa Romanong kalendaryo.

Ang November ay mula sa wikang Latin na ”novem” o “siyam”, tumutukoy sa ika-9 na buwan sa Romanong kalendaryo.

Ang December ay mula sa wikang Latin na “decem” osampu, ang ika-10 buwan sa kalendaryong Romano.

Mapapansin natin na ang kalendaryong Katoliko ay hinango sa tradisyon ng mga Romano na may paniniwala sa iba’t ibang Diyos, kaya may ilang nagbibintang na angKrisitiyanismo ay hindi nakatakas sa pagkaalipin sa mga aral at katuruan ng mga Pagano.

Sa ngayon, ang ating bansa ay mukhang nahaharap sa malaking pagbabago na ang kinilalang amo ay ang mga Amerikano, pero noon pa man ang bansa natin ay alipin ng mga Kastila na maaaring sa hindi katagalang mga taon ay ang mga Tsino naman ang maghahari sa bansa natin.

Ang magandang balita ay kahit sino ang maging bida sakasaysayan, ang kalendaryong kasalukuyan nating ginagamit ay hindi pa rin mapapalitan.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page