HOROSCOPE | ENERO 4, 2019 (Biyernes)
- BULGAR

- Jan 4, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ENERO 4,2019 (Biyernes): Mahalin mo ang iyong sarili kaysa sa ibang tao, ito ang unang utos at pangalawa ay ang mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang hindi ka naaapektuhan ng mga taong kontrabida sa buhay mo. Ito ang sikreto upang lumayas na sila sa harapan mo. Gawin mo ito at makalalaya ka sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-17-21-25-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang-isip. Dapat ang isip mo ay nakatuon sa iisang gagawin. Huwag mong kalilimutan na ang pag-aalinlangan kahit kailan ay hindi makabubuti sa tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-28-30-35-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Lumilipad palayo ang mga ibon nang dahil sa ingay. Iwasan mo ang magalit ng wala sa lugar dahil tulad ng mga ibon, lumalayas ang mga suwerte dahil sa walang kuwentang ingay. Masuwerteng kulay peach. Tips sa lotto-7-10-13-21-29-36.
CANCER (June 21- July 22) - Hawakan mo ang iyong damdamin. Ibig sabihin, kontrolin mo ang iyong emosyon dahil ang mga taong malayo ang nararating sa buhay ay hindi nagpapatangay sa bugso ng kanilang damdamin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-27-31-32-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw makiisa sa iyo. Kusa rin silang magsisilapit dahil ang hindi nakadikit sa iyo ay hindi gaganda ang kapalaran at patuloy na masasaktan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-28-29-31-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagmasdan mo ang mga dakilang pyramide, sila ay binubuo ng paisa-isang pinagpatungpatong na bato. Alam mo ba na kapag naipon ang iyong pinagsikapan, ikaw ay yayaman? Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-26-27-43-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dito sa mundo, kusang nagsasama-sama ang magkakatulad at nahihiwalay ang mga hindi magkakakulay. Kaya huwag kang malungkot kapag may nawala sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-22-25-34-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi humihinto ang langit sa pagsasaayos ng kapalaran mo. Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil kapag ang langit ang nag-aayos, tiyak na magiging maayos ang lahat. Masuwerteng kulay yellow. Tips sa lotto-9-10-28-31-32-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan, kailangan nating magsakripisyo nang sa gayun ay mas gumanda pa ang ating kapalaran. Kahit umatras ang kabuhayan, muli rin itong susulong. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-20-28-31-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung iyo ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating. Huwag na huwag mong kaliligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-22-26-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makababahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malaki at marami ang mapasaiyo, dalawin mo ang nangangailangan ng simpatiya at tulong mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-9-11-16-23-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kalilimutan na ang sarili ay mas mahalaga kaysa sa ibang tao. Unahin mo ang iyong sariling kapakanan. Gawin mo ito at hindi ka magsisisi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips salotto-7-12-17-20-38-41.




Comments