Pamilya niratrat, todas
PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang miyembro ng kanyang pamilya sa Thailand.
Kinilala ang suspek na si Sucheep Sornsung, 41, na nagpakamatay din matapos ang insidente.
Ayon sa pulisya, kagagaling lamang ni Sucheep sa party at nagtalo sila ng kanyang mga kaanak bago nangyari ang insidente sa souhtern Chumphon Province.
Kabilang sa napatay ng suspek ang kanyang dalawang anak na pawang nasa edad anim at siyam, gayundin ang dalawang lalaki at babae na nasa edad 47 hanggang 71, na miyembro ng pamilya ng kanyang asawa.
Nakaligtas ang asawa ng suspek habang sugatan ang isa pang lalaki.
Batay sa impormasyon, may criminal record si Sucheep na may kinalaman sa droga at dati na rin itong nakulong.





Comments