Opisyal ng NPA nasakote
AGUSAN DEL NORTE—Isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Tagcatong, Carmen sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Joaquin Mardinian, opisyal ng NPA na nakabase sa North-Central Mindanao.
Nabatid na may nakuhang impormasyon ang mga awtoridad na nasa Bgy. Tagcatong si Mardinian kaya agad pinuntahan at dinakip ito ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar.
Hindi nanlaban si Mardinian nang arestuhin siya ng mga awtoridad at sa kasalukuyan ay isinasailalim ito sa taktikal na interogasyon ng militar.





Comments