top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday... MISIS NA NAKATAKDANG MAKASAMA ANG MISTER, HABAMBUHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Malaki ang problema ko ngayon, Maestro, may babae ang mister ko at hin­di ko alam kung iiwanan at ipagpapalit niya kami sa babae niya, kaya nai­si­pan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung mag­ka­kahiwalay ba kami ng mister ko? Isinilang ako noong December 3, 1986 at August 18, 1987 naman ang mister ko.

Umaasa,

Claire ng Calumpang, Nagcarlan, Laguna

Dear Claire,

Tunay ngang tugma ang zodiac sign mong Sagittarius sa zodiac sign na Leo ni mister sapagkat ang Sagittarius at Leo ay kapwa nagtataglay ng iisang elementong fire o apoy.

Gayundin, sa Numero­logy kung saan ang birth date mong 3 at birth date ni mister na 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9) ay compatible sa isa’t isa dahil kapwa kayo napabilang sa ti­natawag na numerong “series of 3, 6, 9” dahil dito, tugma talaga kayo ni mister, kaya ka­hit nambababae siya nga­yon, malaki pa rin ang pag-asa na muli siyang mag­ba­balik sa iyong piling upang muling buuin ang sama-sama at masayang pamilya.

Samantala, upang mala­man mo kung iiwanan ka ng iyong asawa o hindi dahil nga sa nambababae siya nga­yon, alamin mo dapat ang birthday ng babae niya.

Dahil kung ang babae ni mister ay Sagittarius ding tulad mo o kaya ay Aries na may mga birth date na 6, 15, 24, 3, 12, 21 at 30, posibleng ma­­kabuo sila ng sweet at meaningful relationship. Kung nagkataong tugma sila ng babae niya, sa sandaling ma­dalas kayong mag-away ni mister at palagi mo siyang ki­n­ukunsumi, sa bandang huli, maaaring maisipan ni­yang doon na lang sa babae niya siya makikisama at tumira.

Subalit, kung hindi gan­yan ang birth date at zodiac sign ng babae ng mister mo, wala kang dapat ikatakot o ikabahala dahil hindi sila compatible at dahil hindi sila compatible, sa bandang huli, kusa silang magkakahiwalay hanggang sa tuluyan nang bumalik muli sa iyo nang buumbuo, walang labis at walang kulang ang iyong mister upang minsan pa muli ninyong pagsaluhan ang da­ting mainit at masarap na relasyon at siyempre sa pag­babalik ni mister at pagba­bagong buhay, sa panahong nabanggit tulad ng nasabi na, mabubuong muli ang isang masaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page