Krimen nitong 2018. nabawasan
BUMABA ng 21 porsiyento ang krimen sa Metro Manila mula sa 18,524 taong 2017 ay naging 14, 633 nitong 2018.
Ito ang inihayag kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director General Guillermo Eleazar.
Sinasabing dahil sa patuloy na giyera kontra droga, maituturing na bumaba ang krimen sa Metro Manila nitong 2018 kumpara noong nakaraang taon.
Base sa kanilang datos, bumaba ng 52 porsiyento ang mga kaso ng murder; bumaba naman ng 27 porsiyento ang mga kasong crimes against persons at nasa 17 porsiyento naman ang binaba ng crimes against property.
Malaki ang paniwala ni General Eleazar na ang pagbaba ng crime rate sa Metro Manila ay bunsod sa patuloy na kampanya ng pamahalaan kontra droga.





Comments