I‘m not good enough, I can’t do it, it's too late etc... MGA NEGATIBONG SALITA NA DAPAT IWASAN N
- BULGAR

- Jan 3, 2019
- 2 min read

KASABAY nang pagbabago ng taon ang pagkakataon na ayusin at mapabuti natin ang ating sarili.
Kaya narito ang ilang mga bagay na hindi natin dapat sinasabi sa ating sarili dahil sa totoo lang, keri naman talaga nating magkaroon ng best version:
1. I’M NOT GOOD ENOUGH. Stop na natin ang pagsasabi nito dahil walang perpektong tao at lahat tayo ay mayroong mga pagkukulang. Tama na ang pagkukumpara ng sarili sa iba. Mag-focus tayo sa mga ginagawa natin at magugulat na lang tayo na sapat pala ito para sa iba.
2. I CAN’T DO IT. Sa pagkakataon na minsan parang hindi mo na keri at feeling mo ay ayaw mo na at gi-give-up ka na, huwag ganu’n! Isipin na lang natin na ang mga bagay na minsang nakapag-motivate sa atin para magpatuloy ‘yung pangarap natin na hindi lang para sa ating sarili kundi para sa mga taong mahalaga sa atin. Go, lang. Aja!
3. I’M A FAILURE. Una sa lahat, walang sinuman ang hindi nagkakamali — lahat tayo ay nagkakamali. Ang mahalaga, eh, kung ano ang ginagawa natin para maitama ito? Isipin natin na sa kabilang banda ng bawat sitwasyon, ano nga ba ang natututunan natin?
4. I HATE MYSELF. Ganito, paano tayo magugustuhan o mamahalin ng iba kung tayo mismo, eh, hindi natin gusto ang ating sarili? Sa totoo lang, hindi mahalaga kung magustuhan tayo ng iba dahil ang pinakamahalaga sa lahat, eh, kaya nating tanggapin ang sarili natin kung anuman ang mayroon at wala tayo. Okidoki?
5. I SHOULD HAVE. Ngayong Bagong Taon, huwag tayong masyadong “hard” sa sarili natin lalo na kapag sa tingin natin ay nakagawa tayo ng maling desisyon. Nangyayari talaga ‘yan, ‘yung tipong feeling natin tama, pero hindi naman pala. Tanggapin na lang natin at mag-move on tayo, pero make sure na next time, pag-iisipan na natin ang mga bagay nang mabuti.
6. IT’S TOO LATE. Hindi totoo ‘yan, walang late, lahat nasa timing. May dahilan kaya hindi ito nangyari at kung anuman ang dahilan, keep on living para malaman natin. Basta, palagi nating tatandaan na kapag gusto natin ang isang bagay, palagi tayong gumawa ng paraan upang mangyari ito. Gets?
Tama na muna ang pag-e-emote, isa sa pagka-busy-han natin ngayong 2019 ay kung paano tayo magiging mabuti sa ating sarili, domino-effect kasi ‘yan, beshie kung ano ang ginagawa natin sa sarili natin ay ‘yun din ang nagiging habit natin na gawin sa ating kapwa, kaya go lang tayo sa life! Copy?





Comments