Napapakinabangan kasi ng Siyete… BIANCA AT MIGUEL, TOGETHER AGAIN


PAWANG malalaking bagong programa ang handog ng GMA Network sa pagpasok ng first quarter ng taong 2019. Ito’y pangungunahan ng mga Kapuso stars na bahagi rin ng network.
Sa seryeng Sahaya na tampok sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, gagampanan ng aktres ang role ng isang dalagang nabibilang sa tribu ng mga Badjao. Dito ay ka-triangle nila si Migo Adecer.
Naniniwala ang GMA Network na may magic pa rin ang tambalang BiGuel (Bianca-Miguel) at marami pa rin silang fans and supporters na naghihintay ng kanilang muling pagsasama sa isang serye.
Aarangkada na rin ang tambalang Kylie Padilla-Ruru Madrid na dating kinakiligan sa Encantadia. Sila ang magkakapareha sa rom-com na Toda One I Love kung saan makakasama nila sina Gladys Reyes, Victor Neri, David Licauco, Kim Domingo, Jackie Rice, Raymond Bagatsing, Tina Paner, Maureen Larrazabal, Cai Cortez, Buboy Villar, Archie Alemania, Jeffrey Hidalgo at Kimpoy Feliciano.
Tricycle driver ang role ni Kylie at astig ang porma niya. May touch ng local politics ang Toda One I Love pero maingat naman ang pag-atake sa sistema.
As expected, kontrabida na naman ang role na napunta kay Gladys Reyes.





Comments