Empleyado nilapa ng leon, dedbol
BINAWIAN ng buhay ang trainee sa isang wildlife park sa North Carolina matapos atakihin ng leon.
Ayon sa pamunuan ng wildlife park, sampung araw pa lamang sa kanyang trabaho ang biktimang si Alexandra Black, 22.
Nagsasagawa umano ng routine enclosure cleaning ang biktima kasama ang professionally trained animal keeper nang biglang umatake ang isa sa mga leon sa lugar kung nasaan ang mga tao.
Kinailangan umanong patayin ang 14-anyos male lion na si Matthai para makuha ang bangkay ng biktima.
Si Black ay graduate sa Indiana University at nakahahalubilo ang iba’t ibang klase ng hayop.
Kasalukuyang isinara ang naturang wildlife park.





Comments