top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bangkay ng laborer natagpuan

Pabs Hernandez III
Jan 2, 2019
1 min read

QUEZON—Isang naaagnas na bangkay ng laborer ang natagpuan, kamakalawa sa ginagawang gusali sa Bgy. 7, Lucena City sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Christian Ramirez, residente ng Bgy. Sto, Cristo, Sariaya sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang sanhi ng kamatayan ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page