top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

U.S.- China trade deal may 'big progres' -Trump

Jersey Sanchez
Dec 31, 2018
1 min read

PROUD na proud ngayon si U.S. President Donald Trump dahil sa umano’y “big progress” ng posibleng trade deal sa pagitan ng China at Estados Unidos.

Nagkaroon umano ito ng “long and very good call” kay Chinese Presiden Xi Jinping nang pinag-usapan nila ang trade deal, ayon sa kanyang twitter post.

Gayundin, kinumpirma ng Chinese state media na nagkausap na ang dalawang lider.

Ayon kay Xi, umaasa ito na magkakaroon na ng kasunduan kung saan makikinabang ang dalawang panig sa lalong madaling panahon.

Matatandaang, nagkasundo sina Xi at Trump na pansamantalang ihinto ang pagpataw ng taripa sa kani-kanilang produkto nang 90 araw mula noong Disyembre 1.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page