top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magpapakabait, magbabagong-buhay, magpapapayat atbp…KAALAMAN TUNGKOL SA IBA’T IBANG NEW YEAR’S RESOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 31, 2018
  • 2 min read

Bigyang-daan natin nga­yon ang ilang mahaha­lagang kaalaman kung paano matutupad ang New Year’s Resolution.

Narito ang gabay sa pagbuo ng New Year’s Resolution nang sa gayun ay makatiyak tayo na ito ay matutupad:

1. Dapat specific o tukoy mo ang iyong gustong gawin sa buhay, pero ang New Year’s Resolution tulad ng “magpapayaman, magsisi­kap, magpapakabait at magbabago na ako” ay mga maling life resolution. Bakit?

2. Dahil ang nasabing mga “gusto” ay in general terms, kumbaga, walang tiyak o tukoy na gagawin. Kung ganu’n, ano ang dapat maging New Year’s Resolution ng taong gustong yumaman?

3. Para sa mga gustong yumaman, ang dapat ninyong piliting isabuhay ay ang pagtitipid. Paano?

4. Tukuyin ninyo ang mga dahilan kung bakit hindi kayo makapagti­pid.

5. Ang pag-iipon, madali rin bang gawin? Oo, madali rin namang makaipon dahil sa pag­titipid, tiyak na mayroon kayong maiipon. Kaya ang pagtitipid at pag-iipon ay parang kambal na hindi puwedeng paghiwalayin.

6. Bilang pagtatapat, nagagawa ang pagtitipid ng maraming tao, pero ayon sa kanila, nagagastos din nila ang mga ito, sa biglang tingin, walang naging bisa ang ating pinag-uusapang pagtitipid at pag-iipon, pero ang mahalaga rito ay ang naranasan at natutunan natin ang mga hakbang para simulan ito.

7. Kumbaga, isa ito sa mga pinakamahalagang sandata ng tagumpay na nagsasabing, “naranasan ko ang mahirapan kaya hindi na ako mahihirapang labanan ang mga hamon ng aking kapalaran.”

8. Kaya kapag dumating sa buhay n’yo na kailangan ninyong magtipid at mag-ipon, may baba­likan kayong nakaraan kung kailan n’yo nagawa nang aktuwal ang ating pinag-uusapan na sikreto para sa magandang kinabukasan.

9. At dahil dito, taas-noo ninyong sasabihin na puwede na kayong yumaman.

10. Pagmasdan nating lahat ang buhay ng mga mayayaman. Makikita na sila ay marunong magtipid at mag-ipon dahil ang mismong salitang yaman o kayamanan ay mga naipong kabuhayan.

11. Pagmasdan din natin ang mga mahihirap. Ano ang ating nakita? Silang lahat ay hindi marunong magtipid, walang ipon at walang magandang hinaharap.

12. May makikita rin tayo na kasalukuyang mayaman na pero hindi marunong magtipid, alam na rin natin ang kanyang patutunguhan, siya ay tiyak na maghihirap.

Kaya, ikaw na gustong yumaman, ano ang dapat mong maging New Year’s Resolution? Ano pa nga ba kundi ang mag-ipon at magtipid!

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page