Shoutout sa mga mahihilig mag-boodle fight diyan...PAGKAIN GAMIT ANG BALAT NG SAGING, GOOD SA HEALT
- Donna Thea Topacio
- Dec 30, 2018
- 1 min read

SAKTO ngayong media noche dahil for sure, iba’t ibang gimik ang gagawin natin para maging masaya ang pagsalubong natin sa Bagong Taon. Samantala, knows ba ninyo na ang pagkain gamit ang balat ng saging ay good sa health? Woah!
Mahilig ba kayong magsalu-salo, gamit ang plato, paper plate at marami pang iba? Oks ‘yan, pero knows ba ninyong mas okay kung sa balat ng saging kayo kakain? Hmmm…
Ito ay dahil ayon sa mga eksperto, ang pagkain sa balat ng saging ay maraming benepisyong naidudulot sa ating kalusugan.
Una, ito ay chemical free dahil hindi ito ginagamitan ng sabon, kaya maiiwasan natin ang food poison, oh ‘di ba, bongga?
Pangalawa, mas magiging masarap ang pagkain dahil naa-absorb nito ang flavor ng saging lalo na kung mainit-init pa ang ilalagay na pagkain kung saan mas lalo tayong gaganahan at mabubusog, burp!
Gayundin, ang mga benepisyong nakukuha natin sa saging tulad ng magandang digestion, nakabababa ng blood pressure, maganda sa kalusugan ng puso at nakakikinis ng balat ay makukuha rin natin kung sakaling uugaliin nating kumain dito.
Bukod pa rito, napaka-hygienic ng pagkain sa balat ng saging, gayundin na eco-friendly at budget- friendly ito.
Kaya ngayong media noche, why not na ito ang gawin nating gimik para naman maiba at mas maging masaya ang buong pamilya?
Palagi tayong maging resourceful kung saan gamitin natin ang mga bagay na marami pang pakinabang bago ito tuluyang makalimutan ng karamihan dahil sa mabilis na pagbabago ng ating mga nakasanayan. Samantala, hiling namin na magkaroon tayo ng masaya at Manigong Bagong Taon!
Be healthy, mga lodi! Copy?





Comments