Pusher tiklo sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Dec 30, 2018
1 min read
ZAMBOANGA CITY—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sta. Catalina sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilalang si Rene Sola, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at P500 markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Sola na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments