Orient, compliment, keep your promises etc...IBA’T IBANG PARAAN PARA DEHINS MAHIRAPANG IWAN SA ISKUL
- No Problem
- Dec 30, 2018
- 2 min read

MALAPIT ng matapos ang Holiday Season, kaya for sure, pahirapan na namang papasukin si bagets sa eskuwelahan. Ito ay dahil sa problemang kinahaharap ng mga bata na kung tawagin ay “separation anxiety” o “sepanx”. Kaya narito ang ilang tips para kahit paano ay mabawasan ang tantrums ng inyong mga tsikiting tuwing papasok sa school:
1. KAUSAPIN ANG BATA BAGO PUMASOK. Yes, mga momshie! Dapat bago ulit nag-umpisa ang klase ay na-orient na ninyo si baby kung sino ang maghahatid at magsusundo sa kanya, ano ang babaunin niya at kung anu-ano pa. Sadyang nakatutulong ang magandang komunikasyon sa pagitan ng mga bata at magulang para hindi ma-shock ang bata sa pagpasok niya sa eskuwelahan.
2. SIGURADUHING KAAKIT-AKIT ANG ENVIRONMENT. Mainam kung kahit papaano ay may mga dekorasyon pa ring pampasko nang sa gayun ay matuwa pa rin ang mga bata na pumasok at hindi umiyak sa tuwing iiwanan n’yo na sila.
3. KAILANGANG TUPARIN NG MGA MAGULANG ANG SINASABI SA ANAK. Ito ang pinakamahalaga. Usung-uso ang mga eksenang: “dito lang si mama sa waiting shed,” pero ‘pag pinuntahan ng bata, wala na si mommy. Dahil dito, nawawalan na ng tiwala ang mga bata at nag-iiwan ito sa kanila ng pakiramdam na takot na maaaring humantong sa kawalan ng ganang pumasok.
4. IPARAMDAM ANG EXCITEMENT SA BATA. Kung excited ang bata, dapat mas excited ang mga magulang para maramdaman nilang may nakasuporta sa kanila habang sila ay nag-aaral.
5. MAGBIGAY NG COMPLIMENT SA BATA. Purihin ang anak para mas ma-encouraged silang mag-aral. Lalo na ang mga bata, palagi silang tanungin kung may nakuha silang “star”, pero kung wala ay sabihan pa rin sila ng magagandang salita na makapagmo-motivate sa kanila para sa susunod ay mataas na ang makuha nilang marka.
Oh, ‘di ba, bongga? Kaya make sure na susundin ninyo ang tips na ito lalo na ngayong malapit na ulit silang magbalik-eskuwela. He-he-he!
Gets mo?





Comments