top of page

Lalo na kung medyo naligaw kayo ng landas ngayon 2018, mga besh...TIPS PARA SA MAS MAGANDANG CAREER

  • Donna Thea Topacio
  • Dec 30, 2018
  • 3 min read

‘IKA nga, Bagong Taon na kaya mag­bagong buhay na tayo. Hindi na pu­wede ‘yung tatamad-tamad at walang trabaho dahil tiyak na wala tayong ma­rarating at hindi tayo aasenso. Pero, para hindi na kayo mahi­rapang mag-isip kung paano n’yo ito sisimu­lan, heto ang ilang pa­ra­an kung paano ninyo mapagaganda ang takbo ng inyong ca­reer ngayong 2019:

1. VOLUNTEER. Hmmm… Marahil, nagta­taka kayo kung bakit ka­ilangan pa nating mag-volunteer gayung puwe­de naman tayong kumita kaagad? Wait, ang pagbo-volunteer ay makabubuti dahil dito tayo makaku­kuha ng iba’t ibang expe­rience na makatutulong para mas maging ma­ganda ang takbo ng ating karera. Oh, ‘di ba, bong­ga?

2. INVENTORY YOUR SKILLS. Bilangin mo ang iyong mga kaka­yahan, besh, at mas i-en­hance mo pa ito nang sa gayun ay hindi lang career ang maggo-grow sa iyo kun­di maging ang kum­panyang papasukan mo.

Hindi ba, kapag ma­ganda ang kumpanya, ma­ganda rin ang sahod at environment? Kapag ga­nu’n, less worries at stress ka, besh!

3. ENGAGE IN CA­REER RESEARCH. Usung-uso na ang iba’t ibang websites kung saan makakikita kayo ng mga job opportunity na maa­aring fit sa kakayahan ninyo. Kaya wala kayong excuse para hindi maka­paghanap ng trabaho. Ang kailangan n’yo lang ugaliin ay maging mati­yaga at habaan ang pa­sen­­siya. Okay?

4. CHECK OUT WHAT YOUR FRIENDS DO. Hindi naman sa mang­gagaya tayo, pero minsan, may mga bagay na gina­gawa ang ating mga ka­ibigan na gusto rin pala nating gawin tulad ng fil­ming, photography at ma­rami pang iba. Huwag ta­yong mahiyang magta­nong dahil sa pagtata­nong du’n natin mas na­lalaman ang mga tanong na nana­natili sa ating isi­pan.

5. CONTACT YOUR COLLEGE. Kung med­yo confused pa kayo sa gusto ninyong mangyari sa inyong buhay, bakit hindi kayo bumalik sa inyong alma-mater kung saan baka ru’n n‘yo na matatagpuan ang career na matagal n’yo nang gus­­tong makuha at ma­ranasan?

6. GO BACK TO SCHOOL. Kung dehins naman kayo obligadong magtrabaho para sa in­yong family, puwede rin kayong bumalik sa pag-aaral tulad ng iba na nag­ma-masteral at kumu­ku­ha ng ibang course para mas lumago pa ang kaala­man sa buhay.

7. DISCOVER SOME­THING NEW. Kung gusto talaga nating gumanda ang ating career, kaila­ngan nating maka-disco­ver ng mga bagong bagay na malaki ang ma­itutu­long sa ating pag-unlad. Iwasan natin ang pagi­ging kampante, mga besh!

8. AVOID PEOPLE WHO HAVE CRAB MENTALITY. Umiwas tayo sa mga talangka na nanghihila pababa, sila kasi ‘yung mga taong wa­lang magawa at hindi pumapayag na sumaya ang mga taong nasa kani­lang paligid, in short, mga toxic sila.

9. NEVER EVER GIVE UP. Anumang pag­subok ang ating pagda­anan sa buhay, lalo na sa ating career, huwag na huwag tayong susuko da­hil sa oras na sumuko tayo, wala na, finish na! Kakainin na tayo ng ne­gatibong pana­naw na magiging sagabal sa pag-abot natin ng ating mga pangarap sa buhay.

10. LOVE WHAT YOU ARE DOING. Kung hindi ka masaya sa pag-abot mo sa iyong mga pa­ngarap, malamang na hin­di ka magtatagumpay sa buhay, kaya importante na mahal mo ang gina­gawa mo, beshy! Okie?

11. LEARN TO AD­JUST. Matuto tayong ma­kisama sa iba, hindi sa lahat ng panahon ay sila ang mag-a-adjust para sa atin. Upang magkaroon ng magandang career, ki­nakailangan din ang ma­gandang pakikisama.

12. BE SMART. Hin­di porke sinabing be smart, eh, academics ang tinutu­koy. Maging matalino tayo sa pagdedesisyon sa pagpili ng career na gusto nating i-pursue, huwag ta­­yong makisabay sa uso, bagkus, sundin natin kung ano ang nilalaman ng ating puso.

Sa totoo lang, hindi na­man masasabing suc­ces­ful ang indibidwal base sa halaga ng pera na kini­kita niya araw-araw, bag­kus, masabi nating nag­tagumpay tayo sa buhay ka­pag alam nating masaya at kontento tayo sa kung anong mayroon tayo sa kasalukuyan.

Kaya hindi pa huli ang lahat, hangga’t may bu­hay, may pag-asa. Gawin lang natin ang ating ma­kakaya para maging ma­tagumpay at masaya!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page