Kahulugan na hinahabol ng nakaraan kung saan hindi ito dapat takasan
- BULGAR

- Dec 30, 2018
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Regeie ng Regeie_Balera@face-book.com
Dear Professor,
Nanaginip ako na may humahabol sa akin, tapos pagdating ko sa itaas ay binigyan ako ng kumpare ko ng itak, pero kawayan.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Regeie
Sa iyo Regeie,
Oo, may humahabol sa iyo sa tunay na buhay, kumbaga, ang iyong panaginip ay nagpapahayag ng katotohanang sa iyo ay may humahabol.
Pero, sino o ano ang humahabol sa iyo? Ang sagot ay hinahabol ka ng iyong nakaraan kung saan ka nagkamali, pero hindi mo naituwid o nagawan ng paraan ang nasabing problema.
Nagsasabi ang panaginip mo na muling babalik sa iyo ang gayunding pangyayari, kaya ang payo sa iyo ay huwag mo itong tatakasan.
Kaya kawayan ang itak na ibinigay sa iyo dahil ang muling magbabalik na pangyayari sa buhay mo ay hindi talaga nakatatakot, kumbaga, kawayan lang ang kanyang katapat.
Kaya muli, huwag kang tumakas at harapin mo ito!
Sa panaginip, ang humahabol ay ang nagawang pagkakamali ng nanaginip na kapag napanaginipan niya, ibig sabihin, binibigyan siya ng pagkakataon na maitama ito.
Ang isa pang mahalagang malaman mo ay noon sa iyong nakaraan nang ikaw ay bata pa, may nagkagusto sa iyo na matanda na malaki ang agwat ng edad sa iyo. Nang matitigan ka niya, ang pumasok sa isip mo ay may pagnanasa siya sa iyo kung saan natakot ka at umiwas.
Sa ngayon, mayroon muling matanda na may pagnanasa sa iyo, pero huwag kang matakot at huwag mo siyang iiwasan. Gamitin mo ang ibig sabihin ng itak na kawayan na nagsasabing, ang matanda ay para sa matanda, ito ang kailangan niyang nalaman at ito rin ang payo ng panaginip mo.
Muli, harapin mo ito at huwag mong tatakasan. Ngayon na ang pagkakataong maisaayos mo ang iyong nakaraan na naiwanan sa iyong pinakamalalim na kamalayan.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments