Driver sugatan sa jeep
PANGASINAN—Isang driver ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong jeep ang pinapasada nitong tricycle, kamakalawa sa Bgy. San Aurelio 3rd, Balungao sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Jovito Manece, nakatira sa nasabing bayan, samantalang, ang driver ng jeep ay si Audie Dominguez, nakatira sa Rosales sa naturang lalawigan.
Nabatid na mabilis umano ang takbo ng jeep na minamaneho ni Dominguez kaya nabangga nito ang tricycle na minamaneho naman ng biktima.
Ginagamot na sa ospital si Manece, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury si Dominguez.





Comments