top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

DAGINDING, MAGBIBILANG NG PANALO

Green Lantern
Dec 30, 2018
1 min read

RENDA at LATIGO

HINDI nagkamali ng sapantaha ang pitak na ito sa pagpili ang tatlong kalahok na panolo sa Winner-Take-All, Pick 6,Pick 5 at Pick 4 ito ay ang Glitter Face, He­lushka at White Chocolate sa karerang naganap sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Marami ang nagulat sa ipinakitang galing ng deha­dong Daginding laban sa walang kabayong pinapa­boran gaya ng Break and Shine at Am Incoming at Yoshiko.

Sa panimula pa lang ng karera nakipaglaban na sa unahan ang Daginding sa mga kabayong Am Incoming at Break and Shine at dahil sa galing nang paghahanda nanalo ito ng tatlong kabayo ang layo.

Ipinakita naman ng Helushka ang galing nito ma­karaang pagwagian ng walang kahirap-hirap ang Race 3. Nagwagi naman ang Holy Bullea kontra kay Miss Thrifty na matamis ang paramatihin na may layong isang kabayo sa Race 4.

Nabigo ang dalawang liyamadong kabayong Boy Paradise at Big Nevada matapos pagwagian ng Mo­derne Forest ang Race 5.

Ipinatikim ng White Chocolate na kalahok ni Mr. Patrick Uy, ang lupit nito sa banderahan matapos talunin ang mga kalaban na may limang kabayo ang layo laban sa pumangalawang si Absoluteresistant.

Tinapos ng Luyang Cave ang huling karera sa isang malupit at matulis na paremate kasunod ang Alupay Star na nagbigay ng P47,559.40 sa Winner Take All, P24,252.60 sa Pick 6 at P251.60 sa Pick 5 at P201.80 sa Pick 4.

Paalala walang karera sa Disyembre 30 sapagkat araw ng kamatayan ni Dr.Jose Rizal at babalik ang ka­rera sa araw ng Lunes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page