‘Pag hindi inaprubahan ang budget sa pader U.S. ISARA —TRUMP
- Jersey Sanchez
- Dec 30, 2018
- 1 min read
BINANTAAN ni U.S. President Donald Trump na tuluyan niyang isasara ang U.S-Mexico border kung hindi pa rin aaprubahan ng Kongreso ang pondo sa pagpapatayo ng border.
Ikapitong araw ng partial government shutdown nang magbitiw ng banta si Trump.
Ayon sa tweets ni Trump, ang pagbukod sa Mexico ang tanging alternatibo sa pagpopondo sa kanyang wall project.
Maliban pa rito, ipu-pull out din aniya ang mga pabrikang pag-aari ng American car companies na nakabase sa kabilang panig.
Matatandaang, nagsimula ang partial shutdown ng bansa nang hindi magkasundo sa hinihinging budget ni Trump na $5 billion na gagamitin sa pagpapatayo ng border wall sa pagitan ng U.S. at Mexico.





Comments