Sakuna, damit at tinapay

Salaminin natin ang panaginip ni Raquel ng Raquel_Mariel@facebook. com
Dear Professor,
Nanaginip ako na nakaranas daw ako ng sakuna, pero agad namang may nagpadala ng tulong mula sa itaas, una, may mga nakasupot na damit at tinapay, ang dami, may malaki, maliit, pahaba at pabilog. Ang dami ko nga raw nakuha at inilagay ko pa ito sa box.
Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Raquel
Sa iyo Raquel,
Wow! Ang masuwerteng balita mula sa iyong panaginip ay nagsasabing bubuwenasin ka.
Dahil dito, magandang malaman mo na dapat kang mabuhay nang may positibong pananaw, kumbaga, harapin mo ang mga araw na darating na malinis, wagas at dalisay ang iyong kalooban.
Ang mga negatibong pananaw ay dumi, sagabal at nakasisira ng personalidad.
Ipinapayo sa iyo na umiwas ka sa mga taong problemado, nabubuhay sa maling panuntunan at sa mga taong paladaing, palaangal, iyakin at mga malulungkutin. Iwasan mo rin ang mga taong alam mong sobrang pangit ng kapalaran.
Alam mo, ang mga taong hindi magaganda ang kilos at ugali ay nakahahawa na parang karamdaman. Ang mga taong naliligaw sa landas ng buhay ay dapat mo ring iwasan.
Kaya nga, madalas mong makita sa social media ang mga katagang “surround yourself with positive people and positive things will happen to you!”
Kung saan ang kabaligtaran nito ay kapag napagalitan ang taong negatibo, sure na magkakaroon ka rin ng negatibong kapalaran, kaya saan ka pa? Saan pa nga ba? Eh, sa positibo ka na!
Gayundin, huwag mong kalilimutan na kapag pinasaya mo ang kapwa mo, sobrang matutuwa ang langit sa iyo kung saan mas lalo ka Niyang pagpapalain.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments