top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad...MISIS NA NAKATAKDANG MABUONG MULI ANG PAMILYA KAHIT NA NAMBABABAE ANG ASAWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 29, 2018
  • 3 min read

KATANUNGAN

1. Nagkahiwalay kami ng mister ko dahil nahuli ko siyang nambababae, pero ang katwiran niya sa akin ay nag­paparaos lang daw siya ng init ng katawan, hindi kasi siya ma­kasiping sa akin dahil bun­tis ako ngayon.

2. Humingi na siya ng tawad sa akin, pero nag-iisip pa ako kung patatawarin ko siya, umalis kasi ako ng bahay at ngayon ay nandito ako sa nanay ko.

3. Dapat ko na bang pata­warin ang mister ko at mag­kakabalikan pa kaya kami? Hindi ko kasi maisip na sa sobrang tiwala at pagma­mahal ko sa kanya, maga­gawa niya sa akin ‘yun, sobrang galit talaga ang na­raramdaman ko ngayon.

KASAGUTAN

1. Patawarin mo na ang iyong asawa sapagkat walang masama sa pagpa­patawad lalo na ngayong kapasku­han at Bagong Taon.

2. Oo, walang masama sa pagpa­pa­tawad, pero may masama sa pagtatanim ng galit at mas la­long may masama kapag tu­luyan na kayong nag­kahiwalay gayung buntis ka pa naman ngayon.

3. Tandaan mong sa sanda­ling nagtanim ka ng galit sa mister mo o kahit na kanino, hindi ka makatutulog sa gabi at sa tuwing nakikita o naaalala mo ang pinagtaniman mo ng galit ay hindi ka mapapakali.

4. Alalahanin mo ring ka­pag nagtanim ka ng galit, maaari kang magkasakit sa puso dahil ‘yung daloy ng dugo na maayos sanang tumatakbo ay nababara ng sama ng loob.

5. Kaya dapat ay huwag kang magtatanim ng galit sa iyong kapwa dahil sa oras o sa sandaling ginawa mo ‘yan, sarili mo rin ang inyong pinaruru­sahan.

6. Sa halip, ang pinakama­buting gawin ngayong pana­hong ito ay ang magtanim ka ng pag-ibig at pagpapatawad sa iyong kapwa, makikita mo, sa oras na ‘yun, mararamdaman mo kaagad ang premyo kung saan gagaan ang iyong paki­ramdam at madali mo nang ma­sasagap ang suwerte at maga­gandang kapalaran.

7. Tandaan mo rin na sa bawat paggawa mo ng kabuti­han sa iyong kapwa, dagdag na pagpapala ang mapasasaiyo at dahil dito, magiging maaliwalas ang personalidad mo na siyang humihigop ng suwerte at ma­gagandang kapalaran.

8. Sa kabilang banda, sa bawat paggawa ng kawalang­hiyaan at pagtatanim ng galit sa ating kapwa, nagiging ma­bigat ang ating kalooban hang­gang sa unti-unti nang dumilim ang buladas ng ating persona­lidad na siya namang huma­hatak ng mga kasawian, lung­kot, pagkabigo at kamalasan sa buhay.

9. Buweno, anuman ang ga­win mong desisyon, tiyak ang magaganap, sa bandang huli, patatawarin mo rin ang iyong mister na minsang nambabae sapagkat iisa lang ang malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit nagkasala si mister, wala kang karapatan na hindi siya patawarin o sabihin na nating tuluyan ka ng ma­kikipaghiwalay sa kanya sa­pag­kat kapag nangyari ‘yun, sino na ang magiging ama ng inyong mga anak at ama ng ipinag­bubuntis mo ngayon?

10. Ang pag-aanalisang tuluy-tuloy na muling magi­ging maligaya ang inyong pamilya sa sandaling patawarin mo ang iyong si mister ay madali namang ki­numpirma ng magan­da at maayos ding Heart Line (Dra­wing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ngayon lang magka­kaproblema ng ganyan kabigat ang inyong pagsasama, ngunit, paglipas ng mga panahon ay babalik na sa katinuan ang iyong mister at tulad ng nasabi na, muli nang magiging maligaya ang inyong pamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Nelissa, bukas-maka­lawa, bago ka tuluyang manga­nak, sigurado na ang magaga­nap, bago sumapit ang taong 2019, muling mabubuo ang inyong pamilya at habambuhay na muling magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page