Kung si Arjo, tanggap para kay Maine… ALDEN, BINANTAANG IBOBOYKOT DAHIL KAY JULIE ANNE
- Nitz Miralles
- Dec 29, 2018
- 1 min read

NAKABALIK na ng bansa si Alden Richards pagkatapos ng bakasyon nila ng kanyang pamilya sa Japan at sa mga lumabas na mga litrato, kitang nag-enjoy ang aktor na maka-bonding ang kanyang pamilya.
Tamang-tama ang pagbabalik ni Alden ng bansa, may time siyang paghandaan ang pagho-host sa New Year Countdown ng GMA Network sa December 31, at 10:30 PM sa SM Mall of Asia.
Pang-11th year partnership na ito ng GMA Network at SM Mall of Asia and this year, nakipag-join forces din ang network sa Solaire Resort & Casino for live updates at sa showcase ng fireworks display.
Co-host ni Alden sina Kris Bernal, Betong Sumaya, Joyce Pring, Arra San Agustin at Andrea Torres.
Kabilang naman sa mga performers si Julie Anne San Jose, na kasama si Andrea ay pinagseselosan ng ibang AlDub fans. Kaya ba may isyung may magbo-boycott na naman kay Alden?
Unfair naman ‘yun, ha? Bakit si Maine Mendoza, ‘di naman bino-boycott kahit nali-link ito kay Arjo Atayde?
Anyway, performers din sa New Year Countdown sina Christian Bautista, Mark Bautista, Glaiza de Castro, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Ken Chan, Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, Kyline Alcantara, Katrina Halili, Sanya Lopez, Thea Tolentino, Jak Roberto, Nar Cabico, Golden Cañedo, The Clash finalists and graduates, One Up, Donita Nose at Super Tekla.





Comments