Isang klase raw ito ng theraphy, lodi...PAGSIGAW, EPEKTIB NA PANLABAN SA DEPRESYON!


WAAAAH!!! Excited na ba kayo sa paparating na Bagong Taon? Good ‘yan, pero para hindi na tayo mahirapan pang mag-ingay gamit ang mga paputok, kaldero, busina, torotot at marami pang iba, bakit hindi na lang tayo sumigaw nang bongga? Hmmm…
Basta tiyakin n’yo lang na makapagbo-vocalization kayo dahil baka mapaos kayo kaagad. Char!
Ayon sa mga eksperto, kahit masakit sa tainga kapag may sumisigaw, ito umano ay maraming benepisyong naibibigay sa ating kalusugan.
Kung saan natuklasan sa pag-aaral ng mga eksperto na ang pagsigaw ay nakai-increase umano ng immune system at epektibo ring panlaban sa mga negatibong pananaw.
Kaya ilabas n’yo lang ang inyong hinanakit sa buhay, mga besh! Char!
Gayunman, kung ating mapapansin, marami sa atin ang napapasigaw tuwing natatakot, kinakabahan at galit tayo, ito ay dahil ang pagsigaw ay nakatutulong upang mailabas natin ang ating nararamdaman at kinikimkim, kaya mainam talaga ito para sa atin.
Dagdag pa rito, ang pagsigaw ay nakapi-prevent ng high blood pressure at hypertension dahil mas gumaganda ang daloy ng ating dugo kapag sumisigaw tayo.
Samantala, para sa mga nasasaktan na diyan, pisikal man o emosyunal, sigaw lang dahil keri nitong matanggal ang mga sakit na ating nararamdaman. Hu-hu-hu!
Kaya sakto sa pagsalubong natin sa Bagong Taon, isigaw na natin ang mga gusto nating kalimutang mga sakit at pangit na alaala ngayong 2018 nang sa gayun ay panibagong buhay na ang masimulan natin sa 2019.
Umiwas na tayo sa mga negatibong pananaw at gawin nating mas makabuluhan ang ating buhay.
Kaya ang payo natin sa lahat, sigaw lang nang sigaw, basta make sure na walang natutulog o maiistorbong kapitbahay. Ha-ha-ha!
Oh, ayan, mga lodi, knows n’yo na ang secret sa mas magaan na buhay, ha? Walang mangyayari kung hindi natin ito susubukan. He-he-he!
Have a happy new life, hope at memories. Okie? Hi-hi-hi!





Comments