top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | DISYEMBRE 29, 2018 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG DISYEM­BRE 29, 2018 (Sabado): Pagpa­palain ka dahil sa ka­bu­tihan mo at ang mga nag­sasamantala sa iyong ka­baitan ay dahilan kung bakit mas maraming bi­yaya ang mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Rito sa mundo, ang kumiki­los ay umu­un­lad at ang walang pag­kilos ay katumbas ng ka­walang pag-asenso, kaya saan ka pa? Eh, di dapat kang ma­pa­bilang sa una. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-29-30-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagba­ba­bala ang kapala­ran mo na kapag hindi mo na­kontrol ang pagiging ma­awain mo, sa ibang araw ay magigipit ka. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masu­wer­teng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-18-24-28-31-33-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Iwanan mo na ang na­ka­raan, ang mga naka­raang pagkaka­mali at mga pagkukulang ay hu­wag mo nang tutu­kan dahil ang higit na ma­ha­laga ay ang maayos mo ang iyong kinabukasan. Masuwer­teng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-18-22-28-39-41-45.

CANCER (June 21- July 22) - Nakita ng iyong mga mata sa nag­daang mga araw na ang ma­hiyain ay hindi gaanong nagiging masaya. Ibig sa­bihin, ang iyong pagiging mahiyain ay hindi maka­gaganda para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-29-31-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Si­kapin mong tu­parin ang mga ipapa­ngako mo sa iyong sarili. Kahit hindi mo kaagad matu­pad ang mga ito, ang ma­halaga ay may maki­tang pagbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-12-28-30-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Rito sa mun­do, ang buhay ay pakiki­pag­­sapa­laran. Kaya sinasa­bing wala kang kabuhay-buhay dahil takot kang ha­rapin ang mga hamon ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-20-24-31-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit mahi­rap gawin ang iyong mga pla­no, gawin mo pa rin ito nang masaya. Huwag kang tu­mulad sa iba na sob­rang seryoso kaya kapag nabi­go ay sobra ring nasa­sak­tan. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-2-18-19-25-34-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Alin ang mas masaya, ang Pasko o ang darating na Bagong Taon? Ayon sa kapalaran mo, ang napakaraming bi­yaya ay mapasasaiyo sa taong 2019. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-17-24-26-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutok ang kailangan mo ngayon lalo na sa susunod na taon. Hu­wag mong kalilimutan na ang taong hindi tinutu­tu­kan ang pagkakataong yu­maman ay nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-24-25-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong saya­ngin ang mahaha­lagang oras. Kumilos ka para magawa mo ang iyong iniisip. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-18-22­-24-39-38-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang aalis, tiyak din namang siya ay magbaba­lik at ang nakatutuwa pa, sa kanyang muling pagba­balik, higit na mas magi­ging masaya ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-19-21-29-33-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makikinig sa payo na ma­ma­hinga ka. Ang pakinggan mo ay ang iyong mga paa kung saan dadalhin ka nito sa harapan ng iyong magi­ging kapalaran. Ma­suwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-18-20-25-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page