top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ayuda para sa mga mabibiktima ng Bagyong Usman, ready na

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2018
1 min read

KAUGNAY sa pananalasa ng Bagyong Usman, tiniyak ng gobyerno na may nakahanda nang pondo.

P1.2 billion standby fund ng National Go­vern­ment ang maaari umanong gamitin sa relief operations sa mga lugar na posibleng maapektuhan ni ‘Usman’.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang nasabing budget ay kasalukuyang nasa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasabay nito, nakapagsagawa na ang NDRRMC at iba pang concerned government agencies ng dalawang pre-disaster risk assessment meetings bilang paghahanda sa nasabing bagyo.

Patuloy din umanong naka-monitor ang mga regional office sa 8,700 “highly susceptible and vulnerable barangays”.

Samantala, naka-red alert din ang mga opisina ng Office of Civil Defense sa MIMAROPA, Bicol Region at Central Visayas upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar na nabanggit.

Kung ganito katiyak ang gobyerno na may nakahanda nang ayuda sa mga maaaring masalanta ng bagyo, kahit paano ma­babawasan ang alalahanin ng taumbayan.

Hindi ‘yung kakaba-kaba kung saan kukuha ng pang­gastos at kung paano muling babangon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page