Aktor, 'di nakapagpigil, todo-resbak… LUIS, SINABIHAN NG 'YUCK' NG NETIZEN DAHIL KAY JE
- Nitz Miralles
- Dec 28, 2018
- 1 min read

NI-review ni Luis Manzano ang MMFF entry ng GF niyang si Jessy Mendiola na The Girl in the Orange Dress. May natuwa sa suporta ni Luis sa movie ni Jessy, but as usual, may basher na nag-react ng “yuck.”
Hindi nakapagpigil si Luis at sinagot ang basher ni Jessy at doon na nagsimula ang comments na pro at anti-Luis.
May hindi nagustuhan ang sagot ni Luis na mas yuck ang pose ng basher, pero marami rin ang hindi nagustuhan ang mga sumunod na comments ng basher. In the end, talo ang basher, hindi nakayanan ang tirada ni Luis at binlock ang TV host.
May nag-comment na sana, hindi na lang pinatulan ni Luis ang basher dahil may dugong banyaga rin si Jessy at parang sinabihan din daw nito ang mom ng GF na pumatol lang sa foreigner para gumanda ang buhay.
Ang sagot sa kanya ni Luis, “Some do it for love, some for money;) the basher is the latter. Malinaw?” saka sinabi ng TV host na patola talaga siya.
Anyway, hindi lang si Luis ang nagalit sa babaeng basher kundi pati ang mga followers niya lalo na at may-edad na ito at inaway pa si Jessy. Kasi naman, hindi na lang magbasa ng socmed ng mga celebrities, magko-comment pa ng hindi maganda at ‘pag sinagot, ang celebrities pa ang masama.





Comments