top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Usung-uso pa naman ang dessert ngayong Holiday Season... CHOCOLATE CAKE, EPEKTIB NA PANLABAN SA SAKI

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2018
2 min read

SAWA na ba kayo sa pagkain ng cho­colate cake? Hala, hindi puwede ‘yan dahil knows ba nin­yong bukod sa ma­sarap itong kainin ay marami pa itong naidudulot na maganda sa kalusugan natin? Weh, ‘di nga?

Marahil, iba’t ibang klase ng chocolate cake ang dala o bigay ng inyong mga bisita ngayong kapaskuhan kaya medyo nauumay na kayo sa lasa at tamis nito.

Ngunit, dapat ninyong malaman na ayon sa mga eks­perto, ang pagk­ain umano ng chocolate cake ay ma­raming benepisyong naidudulot sa ating kalusugan.

Ito ay dahil ang chocolate cake ay maganda para sa puso at sirkulasyon ng dugo, gayundin ito ay nakare-re­duce ng panga­nib sa pag­kakaroon ng stroke.

Kaya kung may sakit kayo sa puso, eh, don’t hesitate na kumain ng cake dahil for sure na hindi kayo magsisisi at makatutulong talaga ito para sa kon­disyon ninyo lalo na sa mga miyembro ng Samahan ng Malalamig ang Pasko o bro­ken-hearted. Hu-hu-hu!

Gayunman, da­hil mayaman sa mineral ang cake, nare-reduce nito ang cholesterol natin sa katawan kung saan may tsansa na maba­wasan din ang ating timbang. Kung medyo concsious naman kayo sa inyong balat, mainam din umano ang pagkain ng chocolate cake nang sa gayun ay magkaroon kayo ng healthy at flawless skin.

Sa katunayan, marami na ang nagpatunay na mainam ang tsokolate pagdating sa pagpapaganda dahil may ilang salon na ang gumagamit nito bilang facial mask, foot spa at hair treatment, kaya try n’yo na ‘to, lalo na at may naipon na kayong pera mula sa mga ninong at ninang ninyo.

Samantala, ang paalala natin sa mga diabetic diyan, exempted kayo rito dahil bawal talaga ito sa inyo, kaya hinay-hinay lang sa pagkain ng matatamis ngayong kapaskuhan. Okie?

Huwag n’yo nang kainin ‘yung mga natira ninyong cake, ice cream at fruit salad. Hi-hi-hi!

Oh, ayan, mga beshy, alam kong nakauumay talaga ang tsokolate, pero who knows na ito ang dahilan para ma­ging healthy tayo? Kain lang nang kain dahil minsan lang ‘yan, hanggang hindi pa natatapos ang Disyembre, tuluy-tuloy lang ang kaliwa’t kanang handaan. He-he-he!

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page