Pusher tepok sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Dec 27, 2018
1 min read
SOUTH COTABATO—Isang drug pusher ang napatay sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Polomolok sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si alyas “Danilo”, walang tiyak na tirahan sa lalawigan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si “Danilo”, pero bigla umano nitong pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments