Laborer timbog sa shabu
Pabs Hernandez III
Dec 27, 2018
1 min read
ZAMBOANGA CITY—Isang laborer ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Mampang sa lungsod na ito.
Kinilala ang suspek na si Andy Ayub, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 14 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Ayub na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments