top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BF ng Miss U, todo-displey ng katawan, papansin lang daw sa mga babae… RESBAK NI CLINT: SI CATRIONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 27, 2018
  • 2 min read

NU’NG manalo si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015, kasabay ng bigla niyang pagsikat ang pagdami ng kanyang mga bashers, na lalong nadagdagan nang maging boyfriend niya ang guwapong car racer na si Marlon Stockinger.

Ngayong si Catriona Gray naman ang sikat at mainit dahil very fresh pa ang pagkakapanalo niya bilang 2018 Miss Universe, siya naman ang bagong “apple of the eye” ng mga bashers at maging ang BF niyang Filipino-German model na si Clint Bondad ay paborito ring pag-usapan ng mga walang magawang netizens.

Heto nga, nag-post lang si Clint sa kanyang Instagram account nu’ng mismong araw ng Pasko ng picture niyang nakatalikod habang nakasuot ng fit boxer shorts kung saan bakat na bakat ang kanyang “butt” at may caption na: “Merry Christmas Philippines. Don’t break the internet! Truly inspired by the swimsuit competition. So liberating!” may bumatikos na agad sa BF ni Catrio­na.

Comment ng isang netizen sa post ni Clint, “@clintbondad you won’t like my comment but hey.. you chose to be still in a relationship with the Miss Universe and somehow the way you are posing and posting here in IG is somehow not the kind of post we expect from the boyfriend of our Miss Universe.”

Depensa naman ni Clint, wala siyang nakikitang masama sa kan­yang ginawa at sinabi pang maging ang GF nga niyang si Catriona ay may underwear photos din na kalat na sa social media.

“Besides, it’s my IG and it’s not like Catriona is now the queen of England wearing white gloves to the elbows. She also has a ton of underwear pictures floating around...”

Dagdag pa nito, “I think it’s a bit sexist to say that the guy all of a sudden can’t. But thanks again and have a wonderful Merry Christmas [heart emoji].”

May nag-akusa rin kay Clint na papansin kaya nag-post ng sexy photo niya sa IG at nakikipag-flirt sa ibang babae dahil panay daw ang reply nito sa mga nagko-comment sa picture niya samantalang panay lang ang like niya sa mga photos ni Catriona.

Ang sagot lang dito ng Fil-German model, “Check again... But thanks for the fake news.”

Well, parang ito ang mas malaking challenge kay Miss Universe 2018 Catriona Gray — kung paano gagawing positive ang mga negative comments na ibinabato sa kanila ng BF ng mga bashers.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page