top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

UNTITLED SALVADOR, NAKA-GRAND SLAM SA STANDARD, RAPID AT BLITZ SA LAOS OPEN

Eddie M. Paez, Jr.
Dec 26, 2018
1 min read

KINUMPLETO ng untitled woodpu­sher na si Louie Salvador ng Pilipinas ang grandslam nang idagdag niya sa kanyang standard chess title ang rapid chess crown at blitz diadem ng 2nd Laos International Open Chess Championships sa Vansana Hotel ng Vientiane Capital, Laos.

Tumabla si Salvador kay International Master Meszaros Gyula ng Hungary mula sa 7 rounds ng bakbakang inorganisa ng Laos Chess Federation tangay ang kartadang anim na puntos pero dahil sa “winner over the other rule”, itinanghal na hari ng rapid chess ang Pinoy.

Sumegunda ang Hungarian topseed samantalang pumangatlo si FIDE Master Yaaqov Vaingorten ng Canada nang makaipon ito ng 5.5 puntos sa torneong ito sa Timog Silangang Asya kung saan nagsisimula nang sumigla ang ahedres.

Sa sagupaang Blitz, kumamada ng 7.5 puntos si Salvador para sa solo first place wind-up pagkatapos ng siyam na yugto. Sumampa sa 7.0 puntos ang produksiyon nina Gyula at Malaysia Isaac Fung Jun Ng para makapasok sa podium. Ang Hungarian uli ang naging bridesmaid dahil sa mas mataas na tiebreak output samantalang si Ng ang pumangatlo sa kompetisyong nilahukan din ng mga kinatawan mula sa Netherlands, Thailand, India, England, Scotland at ang punong-abalang Laos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page