Proud daw sa pag-announce sa sakit… KRIS, TINAWAG NA KULANG SA PANSIN, NAPIKON, NETIZEN PINATULAN


HINDI na naman nakapagpigil si Kris Aquino at pinatulan ang isang basher niya sa Instagram na tumawag sa kanyang “attention seeker” or in other words, “kulang sa pansin”.
Comment kasi ng isang backback.ph sa isang IG post ni Kris recently, “Ikaw lang ‘yung artista na proud na may sakit. ‘Yung iba, nagtatago pa para magpagamot.”
Sa reply ni Kris sa naturang netizen, may revelation na naman ang TV host na bukod pala sa kanyang chronic spontaneous urticaria na dahilan ng pamamantal at pamumula ng kanyang balat, marami pa siyang ibang sakit.
Kasama nga sa mga nabanggit niya ang hypertension, severe migraine, overproduction of thyroid antibodies and fibromyalgia.
Mino-monitor din daw ang health niya dahil sa vasculitis at systemic lupus erythematosus (SLE).
Ipinaliwanag din ni Kris na kaya open sa publiko ang kanyang health condition ay para maiwasan ang mga speculations ng mga tao sa biglaan niyang pagpayat kung saan 10 kilos pala ang nawala sa kanya.
Colon cancer ang ikinamatay ng kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino, kaya gusto lang maiwasan ni Kris ang mga maling espekulasyon na may cancer din siya kaya nahuhulog ang kanyang katawan.
At ang itinuturo ni Kris na ugat o dahilan ng lahat ng sakit na kanyang nararanasan ngayon ay ang psychological stress na inabot dahil sa diumano’y panloloko at pagnanakaw sa kanya ng dati niyang business partner.
Well, wish ng mga fans ni Kris na malagpasan niya ang lahat ng sakit na nagpapahirap sa kanya ngayon. Kawawa nga naman ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby kung mawawala siya sa maagang panahon, ‘di ba?





Comments